Mga opisyal ng gobyerno: Mag-commute naman kayo – Petitioners

HINAHAMON NG ilang petitioner si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at lahat ng opisyal ng gobyerno na mag-commute minsan isang buwan para maranasan ang hirap na dinaranas ng isang ordinaryong mamamayan na umaasa sa public transportation.

Sa isang online petition na sinimulan ni Dinna Dayao sa www.change.org pinabibigyang-pansin sa gobyerno ang masamang lagay ng public transportation sa Pilipinas.

Base sa petisyon, 80-porsyento ng mga residente ng Metro Manila na kinabibilangan ng mga bata, matanda at mga may kapansanan ay nagko-commute lang at dito nararanasang malagay sa alanganin ang kanilang kaligtasan at kalusugan.

Iginigiit pa sa nasabin g petisyon na maiintindihan lang ng mga opisyal ang tunay na lagay ng public transportation sa bansa kung mararanasan ng mga ito ang hirap n makipagsiksikan at pumila ng napakahaba para lang makasakay at makapunta sa paroroonan.

Samantala, mayroon nang mahigit 2,000 ang lumagda sa naturang petisyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.