Mga Opisyal ng Caloocan PNP, pinaiimbestigahan sa Jueteng

PINAIIMBESTIGAHAN NG NATIONAL Capital Regional Police Office (NCRPO) ang mga opisyal ng kapulisan sa Caloocan City hinggil sa hindi masawatang operasyon ng Jueteng na umano’y kinukunsinti ni Mayor Enrico ‘Recom’ Echiverri.

Ayon sa ilang police insider, tikom daw ang bibig ng mga opisyal ng Caloocan-PNP hinggil sa malaganap na operasyon ng Jueteng nina alyas “Ramirez”, sinasabing isang mataas na opisyal ng pamahalaang lungsod at alyas “Mark” na kaanak umano ng nasabing mayor.

Takot umano ang mga opisyal ng nasabing himpilan ng pulisya dahil kapag nagsagawa ng operasyon ang mga pulis laban sa Jueteng nina Ramirez at Mark ay tiyak na sa kangkungan sila ipatatapon.

“Tiyak na hindi sasagasaan ng mga pulis ang operasyon ng Jueteng sa lungsod. Bukod sa ipatatapon sila, mawawala pa ang kanilang nakukuhang lingguhang intelihensiya sa Jueteng,” sabi pa ng police insider.

Ayon naman sa nagdadalawang-isip na mga residente, malamang na hindi na sila sumuporta sa kandidatura ng anak ni Echiverri na si “RJ” dahil sa imbes na umangat ang kabuhayan ng kanyang constituent, bumubulusok ito pababa dahil sa talamak na operasyon ng Jueteng at iba pang uri ng sugal. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Mga Opisyal ng Caloocan PNP, pinaiimbestigahan sa Jueteng

  1. Mr Roman Magpoc, napansin ko lang puro tungkol sa caloocan ang issues mo, galit ka ba sa mayor ng caloocan o may nagbabayad sa yo para siraan ung mayor?

Leave a Reply

Your email address will not be published.