Mga Opisyal ng Barangay, Miyembro na ng Pag-IBIG Fund

PORMAL NANG pumirma ang Pag-IBIG Fund at ang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas sa isang partnership para maging miyembro ang lahat ng ahensiya ang lahat mga opisyal at manggagawa sa barangay. Naganap ang nasabing paglagda sa kasunduan noong Lunes, Oktrubre 1, sa ginaganap na 5th National Convention of the Liga ng mga Barangay sa Pilipinas sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Pinasinayaan ni Vice President at Pag-IBIG Fund Board Chairman Jejomar C. Binay ang nasabing event, na pinangunahan naman ng national president ng liga na si Ricojudge Janvier M. Echiverri.

Sinabi ni VP Binay na ang pagkakaloob ng mga benepisyo ng Pag-IBIG sa mga punong barangay, mga kagawad at mga manggagawa ay isang paraan ng pagkilala sa kabilang kontribusyon sa kani-kanilang komunidad at sa bansa na rin.

Sa ilalim ng kasun-duan, kinakailangang iparehistro ng lahat ng barangay ang kani-kani-lang mga opisyal at manggagawa sa Pag-IBIG. Kapag naging miyembro na, makakukuha ang nasabing mga opisyal at manggagawa ng mga benepisyo tulad ng savings, at abot-kayang short term at housing loans.

Sa ilalim din ng kasunduan, maaaring sumali sa Pag-IBIG Fund ang mga opisyal ng barangay bilang boluntaryong miyembro. Sa pamamagitan nito, lalo pang mapararami ng Pag-IBIG ang mga miyembro nito at mapalawak pa ang maaabot na serbisyo, at magkakaroon ng pagkaka-taon ang mas maraming indibidwal na pakinabangan ang mga benepisyo nito na ekslusibo sa mga miyembro.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 11.5 milyong miyembro ang Pag-IBIG Fund sa buong mundo.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.