Mga Opisyal at Kontraktor, magkasabwat DPWH REGION 1, SENTRO NG KORAPSYON

NAGIGING LAGANAP NA ang nagaganap na graft and corruption sa loob ng ahensiya ng Department Of Public Works and Highways (DPWH) sa buong Region 1. Ito ang napag-alaman sa mga mapagkakatiwalaang source na mga mismong na-ngangasiwa rin sa loob ng iba’t ibang departamento ng nabanggit na ahensiya.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Pinoy Parazzi, simula sa regional directror pababa sa mga district engineer, partikular sa lalawigan ng Pangasinan, nagtatamasa ng limpak-limpak na salapi ang mga ito sa kani-lang kinukuhang SOP sa bawat mga naniningil na kontraktor na umano’y kasabwat na nila bago umpisahan ang mga proyekto na nagmumula sa mga pondo ng kongresman.

Nabatid na lahat ng mga proyekto ng kongresman na ipinapagawa na mga farm to market roads, mga eskuwelahan at lahat ng construction projects ay dumadaan kay regional director FG. Ang pondo ng mga ito at ipapadala naman sa mga district engineer, kaya kung may inawas na sa rehiyon, tapos kinakaltasan naman ng mga district engineer, magiging kati-ting na lamang ang masisingil ng mga kontraktor. Kaya napipilitan na lamang silang magtaas ng budget upang kumita naman sila ng kahit kaunti.

Kadalasan pa raw, iniipit pa ng mga district engineer na halos hindi makasingil ang kontraktor kapag hindi sumang-ayon sa mga hinihinging SOP ng mga ito, kaya minsan nakakaawa na ang mga kontratista na gusto ring kumita ng malaki.

Nanawagan ang mga kontratista at mga taong-bayan sa DPWH national office na im-bestigahan ang kanilang mga tauhan sa Region 1, at gawan ng agarang aksiyon kapag sila ay napatunayang kumakaltas ng pondo. (Pinoy Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.