Mga Negosyante, pinag-iingat Pekeng Fire Inspectors, Gumagala

PINAG-IINGAT NG mga awtoridad ang mga negosyante laban sa mga gumagalang pekeng fire inspectors nga-yong nalalapit na Pasko. Kaugnay ito sa kanilang natanggap na reklamo galing sa iba pang negosyante.

Ayon pa kay Superintendent Ricardo Perdigon, Makati City Fire Marshal, hindi lamang pekeng Christmas lights ang makikita ngayon kundi pati mga pekeng fire inspector na modus operandi ang gamitin ang pangalan ng isang lehitimong fire inspector upang makapambiktima.

Nagpaskil ang mga awtoridad ng mga larawan ng lehitimong fire inspectors na magsasagawa ng inspek-siyon sa mga gusali.

Matatandaan noong isang taon, sinampahan ng kaso ang isang pekeng fire inspector sa may Pasay City.

(PARTAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.