Mga Nasa Palibot ng Bulusan, Inalerto sa Posibleng Pag-alburuto

INALERTO NG Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC-Sorsogon) kaugnay ng malaking pagyanig na naitala mula sa bulkang Bulusan nitong mga nakalipas na araw.

Sinabi ni Phivolcs resident volcanologist Ed Laguerta na kaila-

ngan ng mahigpit na pagmamanman ng kanilang mga tauhan sa mistulang pagpapahiwatig muli ng isa sa mga aktibong bulkan sa bansa.

Aniya, kahit paisa-isa ang mga naitatalang pagyanig sa may dalislis nito, hindi malayong ito ay magpakita rin ng abnormaledad tulad ng bulkan Mayon sa Albay.

Samantala, nagkaroon na lamang ng isang entry point sa Bulusan para maiwasan ang anuman iligal na aktibidad sa tuktok nito na magiging mapanganib para sa mga mamamayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.