Mga Nasa Likod ng Garcia Deal, Mananagot

PINAG-AARALAN NA ng Palasyo ang maaring pananagutan ng mga government official na sangkot sa kontrobersiyal na plea bargaining agreement sa kaso ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) comptroller at retired M/Gen. Carlos Garcia.

Sinabi ni Department of Justice Sec. Leila de Lima na kabilang sa mga ito ang walong mahistrado ng Sandiganbayan, siyam na opisyal ng Office of the Ombudsman at si Special Prosecutor Wendell Barreras-Sulit.
Matatandaan na idinulog ng Office of the Solicitor General ang kaso sa Korte Suprema matapos pagtibayin ng Sandiganbayan ang nasabing kasuduan.
Una rito, maituturing na welcome development umano para sa Palasyo ang temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Supreme Court kaugnay sa implementasyon ng plea deal.

Base sa pahayag ni SC spokesman Atty. Theodore Te, pinigil ng SC 3rd division ang pag-usad ng criminal proceedings sa kaso ni Garcia.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ikinatuwa nila ang nasabing TRO dahil pabor sa posisyon ng pamahalaan.

Samantala, inihayag ni Valte na ito ang habol ng pamahalaan bagay na ipinaglaban ng Solicitor General sa Sandiganbayan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.