Mga Napipisil na Next CJ, Isinapubliko

ISINAPUBLIKO NA ng Integra-ted Bar of the Philippines (IBP) ang mga napipisil nila bilang susunod na chief Justice.

Sinabi ni IBP Spokesperson Atty. Trixie Angeles na kabilang sa top 8 na kandidato ng kanilang grupo ay sina Supreme Court (SC) Associate Justices Roberto Abad, Maria Lourdes Sereno, Arturo Brion, Teresita Leonardo-De Castro at Antonio Carpio; dating University of the Philippines (UP) Law Dean Raul Pangalangan; Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman Andres Bautista; at Solicitor General Francis Jardeleza.

Hindi ito ang statement ng kabuuang IBP kundi ang mga napipisil lamang ng mga miyembro nila na maaaring pumalit sa iniwang puwesto ni Renato Corona, paglilinaw ni Angeles.

Samantala, wala itong magiging epekto sa magiging resulta ng desisyon ni Atty. Maria Milagros Cayosa na kinatawan ng IBP sa Judicial and Bar Council (JBC).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.