Mga Nang-Ambush Kay Mayor Guingona, Ipinaaaresto ni P-Noy

IPINANGAKO NI Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang pag-aresto sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na nasa likod ng pananambang sa grupo ni Gingoog Mayor Ruthie Guingona sa Misamis Oriental.

Maayos na ang kondisyon ng alkalde matapos masugatan sa insidente ngunit nasawi sa nasabing bakbakan ang drayber at gwardya nito.

Binisita rin ng pangulo si Guingona sa ospital kung saan ito nagpapagaling.

Sumalang sa operasyon ang 78-anyos na alkalde matapos itong magtamo ng sugat matapos makaligtas sa pana-nambang.

Bagama’t ayon sa anak nitong si Sen. TG Guingona, masakit pa rin ang mga natamo nitong sugat at bali.

Pauwi na mula sa isang fiesta ang convoy ni Guingona nang tamba-ngan ng rebeldeng grupo.

Inako naman ng NPA ang pag-atake at humingi ng tawad sa nangyaring insidente.

Samantala, kinondena na ng Palasyo ang pana-nambang at nagpaalala sa mga kandidato na huwag papayag sa mga demand ng NPA ngayong halalan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.