Mga Nanalong Kandidato sa CAMANAVA, Prinoklama na

IPRINOKLAMA NA ng mga Election Officers (EO) ng Commission on Election (COMELEC) ang mga nanalong kandidato sa katatapos na May 13 election mula sa mga posisyon sa pagka-kongresista, alkalde, bise-alkalde at konsehal sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area.

Sa Caloocan City, pormal na iprinoklama si First District Rep. at out-going mayor Atty. Enrico Echiverri at Second District Rep. Egay Erice na dating vice-mayor. Sa bise-alkalde ay nagwagi si Maca Asistio laban sa kanyang katunggali na si Tito Varela. Gayundin si out-going First District Rep. Oscar Malapitan na bagong alkalde na ng lungsod habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa naayos ng COMELEC ang iba pang listahan ng mga nagwaging city councilors mula sa una at ikalawang distrito ng Caloocan City.

Sa Malabon, naproklama na rin sina Lone District Rep. Jaye Lacson-Noel, Mayor Lenlen Oreta at Vice-Mayor Jeane Sandoval, habang sa Valenzuela City naman ay na-proklama na sina First District Cong. at out-going mayor Sherwin T. Gatchalian, kasama si Second District Rep. Magi Gunigundo, bagong mayor na si Rexlon Gatchalian at Vice Mayor Eric Martinez.

Itinaas na rin ang mga kamay ng mga nagsipanalong konsehal sa Valenzuela City mula sa first district na pinanguna-han ni Antonio Espiritu, Cora Cortez, Mar Morelos, Rovin Feleciano, Marlon Alejandrino at Jenny Esplana.

Sa second district, naproklama na rin sina Lai Nolasco, Lorie Natividad, Lotlot Esteban, Tyson Sy , Charie Pineda at Kim Galang.

Sa Navotas City, itinaas na rin ang mga kamay nina Cong. Toby Tiangco, Mayor John Rey Tiangco at Vice-Mayor Clint Geronimo, gayundin ang mga konsehal sa first district na sina Reynaldo Monroy, Eddie Mano, Ethel Ariola, Jack Santiago, Bernard San Juan at Boy Vicencio. Sa second district, naproklama na rin sina Mariel Del Rosario, Steve Naval, Arnel Lupisan, Ricky Junio Junio. Orly Castro at Ailen De Guzman.

Sa Hulyo 1 ang pagsisimula ng trabaho ng mga nagsipanalong kandidato, maliban sa mga nagwaging re-electionist  candidate.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.