Mga nakadetineng Pinoy sa KL crackdown, nadagdagan

KARAGDAGANG 153 illegal immigrants, kabilang umano ang ilang Pinoy ang kasalukuyang nakadetine sa Malaysia, hinggil sa patuloy na crackdown ng gobyerno kontra sa mga illegals at overstaying foreign nationals.

Base sa report, ang mga nadakip ay kinabibilangan ng 136 na lalaki at 17 babae mula sa mga bansang Bangladesh, Indonesia, Pakistan, Nepal, India, Myanmar, Vietnam, Cambodia at Pilipinas.

Tinukoy pa sa ulat na wala umanong maipakitang travel documents ang mga salarin habang ang iba ay nakuhanan ng mga pekeng travel permits.

Sinasabing nadakip ang mga ito sa Jalan Silang, Jalan Tun H. S. Lee, Jalan Petaling at Central Market sa Kuala Lumpur.

Kasama rin umano sa mga nahuli ang tatlong foreign nationals mula sa Nepal, Bangladesh at Indonesia dahil sa pagkakanlong sa mga illegals.

Una rito, umaabot na sa 2,000 ang bilang ng mga kababayan ang napauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Malaysia.

Sinabi ni DFA spokesperson Raul Hernandez na sa naturang bilang nasa 188 ang mga kababayan na iligal na nanirahan sa nabanggit na bansa.

Tiniyak rin aniya na tinututukan na ng pamahalaan ang reklamo ng isang OFWs na sinasabing nakaranas nang maltrato habang nakadetine sa Kota Kinabalu.

“Regarding the case of the Filipino worker who allegedly experienced maltreatment during detention in Kota Kinabalu, the Embassy sent a representative to talk to him personally and to immediately provide direct assistance.. The Embassy continues to extend the necessary assistance to our nationals who are affected by the nationwide crackdown in Malaysia.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.