Mga nagwagi sa 1st Mango Man Triathlon, 2nd Manggahan Fun Run

MATAGUMPAY NA ginanap nu’ng Abril 15 ang 1st Mango Man Triathlon at 2nd Manggahan Fun Run – na

pangunahing atraksyon sa 19th Manggahan Festival 2012 – kung saan umaabot sa isang libo ang lumahok.

Sa triathlon kung saan ginamit ang Olympic standard  (3km swim, 40k bike at 10k run) ang mga nagwagi ay ang mga sumusunod: Relay, rank 1 – Timugen Manasyom, Romulo Balinas, at Paul de la Rama; solo (rank 1) lalake – Franklin Penalosa; at babae – Monica Torres.

Sa fun run naman, ang mga nagwagi ay ang mga sumusunod: 5k category (rank 1), na may corresponding clocked in time: lalake – Ryan Helleza  (16:13); babae – Maryellane Vargas  (22:05); 10k category (rank 1): lalake – Jeson Agravante (34:42); babae – Jennylyn Nobleza (44:02).

Ang Manggahan Festival, na unang ginanap noong Mayo 22, 1993 upang gunitain ang unang taon ng Guimaras bilang full-pledged province, ay nagtapos kahapong, Linggo, Abril 22 sa pamamagitan ng pagtatanghal ng Tribes Competition na nilahukan ng pitong barangay festival groups. Ang festival ay kapwa taunang proyekto ng Probinsya ng Guimaras at Guimaras Manggahan Foundation na pinamumunuan ni Henry G. Babiera na kasaluku-yang consultant ng Provincial Trade and Tourism Office ng Guimaras.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.