Mga Nagnanakaw ng Kagamitan ng DOST, Mga Mamamatay-Tao – Sec. Montejo

INIHALINTULAD NI Department of Science and Technology Secretary Engr. Mario G. Montejo ang mga kawatan na nagnanakaw ng mga kagamitan ng kagawaran sa mga mamamatay-tao. Ito ay kaugnay sa ninakaw kamakailan na ilang metrong kable at 5 piraso ng 12 volt battery ng seismic relay stations na gamit ng Philippine Institute of Vulcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Sto. Domingo, Albay.

“Ang mga ganyang tao ay maaari lang maihalintulad sa mga mamamatay-tao. Sa ginawa nilang pagnanakaw ng mga kable ng seismic sensors ay kanilang ipinagwalang-bahala ang ang buhay ng mga taga-Albay dahil ang mga kableng iyon ay gamit ng lalawigan para bantayan ang aktibidad ng bulkan,” ayon kay Montejo.

Ayon sa opisyal na ulat ang DOST Phivolcs seismic stations sa Legaspi ay walang natanggap na impormasyon buhat sa istasyon nila sa Sto. Domingo nang Dec. 14 ng nakaraang taon dahil nga ninakaw ang mga kable at 5 piraso ng 12 volt na baterya.

Ang mga relay stations ng Phivolcs ay ‘di binabantayan ng tao at awtomatikong nagpapadala ng data sa kanilang punong himpilan sa Quezon City ng mga seismic at volcanic activities sa nasabing lalawigan.

50% kawalan sa data transmission ang naging resulta ng nasabing insidente ng pagnanakaw at mabuti na lang at ‘di naging aktibo noon ang Mt. Mayon, ayon kay Phivolcs Director Renato U. Soledum.

(MJ BALAGUER)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.