Mga Naghain Ng COC, Mahihiyang ‘Umepal’ – Comelec

DAHIL AMINADONG hindi mapapanagot sa batas ang mga pulitikong maagang nangangampanya, umaasa na lang ang Commission on Elections (Comelec) na mahihiyang ‘umepal’ agad ang mga naghain ng certificate of candidacy (COC).

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na batid nila ang kaliwa’t kanang premature campaigning pero wala silang kapangyarihan para pigilan ang mga ito.

“Alam nating lahat na premature campaigning ito pero ang batas natin… hindi niya pine-penalize ang premature campaigning partikular du’n sa desisyon ng Korte Suprema na lahat ng ipinagbabawal sa mga kandidato ay maaari lamang nating ipagbawal kapag nagsimula na ang campaign period.”

“So lahat ng ginagawa nila ngayon bagama’t alam nating premature campaigning ‘yan ay technically hindi po iyan iligal.”

Kasalukuyang ginagawa ng Comelec ay tinutulungan na lamang ang mga anti-epal groups at patuloy na umaasang magkukusang manahimik muna ang mga kandidato.

Sa Pebrero sa susunod na taon pormal na magsisimula ang kampanya para sa mga kakandidato sa national positions, habang sa Marso naman ang pagsisimula para sa mga tatakbo sa local positions.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.