Mga nagdi-diyos-diyosan sa isang istasyon, pinagre-resign na?!

PAKIWARI namin eh, manang for real ang nakikilala  na  bilang   ko-medyanang si Alex Gonzaga. Pero dahil nga tinatagurian na siyang Reyna TV5, siya ang pinagkatiwalaan ng big bosses na gampanang muli sa telebisyon ang isang bonggang pelikulang sinalangan some years ago ni Maricel Soriano.

Nag-workshop daw talaga ang Alex at ni-request niya ito sa production ng nasabing teleserye. Dahil siya man sa sarili niya eh, kinda may duda.

Pero marami ang nagpalakas ng loob ni Alex, from her Mommy Pinty, Ate Toni, pati na si direk Joyce Bernal and more.

‘Yun nga lang, huwag daw asahang masasalang sa kissing scenes dahil wala raw ganu’n. Dahil sa istorya ng pamilya iyon iikot at hindi sa love story nila nina Martin Escudero at Alwyn Uytingco.

Twenty three na? Bawal ang kissing scenes?

‘Yun daw ang hiling ni Mommy Pinty.

Eh, kung i-require siyang mag-show ng skin – as in – mag-bathing suit or sexy na kasuotan? No way rin daw, sabi ng manang.

Mukhang sa acting talaga siya babawi. Kasi nga, madali naman na raw siyang umiyak. Hanggang take two lang daw siya kapag nakukulangan ang director sa pwede pa niyang ibugang emosyon.

Pero kahit na maging manang sa tingin ng marami itong si Alex, hindi naman pala siya ‘yung tipo na nagtatanim sa mga sitwasyong kinakaharap niya.

Noong December pa naganap ang sinasabing ‘isnaban’ sa pagitan nila ni Marian Rivera, sa entablado kung saan nang umakyat ang huli, at iniabot ni Alex ang kamay niya eh, ni hindi siya tinapunan ng tingin ni Ma-rian at dumiretso ito sa nagho-host na si Kuya Germs.

Wala raw dapat na maging galit si Alex kay Marian. Dahil baka hindi naman nga siya kilala nito talaga. Wala naman daw kaso ‘yun. Kaya ngayon daw, lagi na niyang ipinapakilala ang sarili niya na siya si Alex.  At pagkatapos naman daw ng eksena sa entablado eh, nagkita pa uli sila ni Marian sa backstage at nginitian naman siya nito. Kaya, hindi na raw ‘yun dapat na gawing isyu.

May mga nagsabi naman na ginawi ‘yun ni Marian dahil lagi naman daw itong tinitira sa show kung saan kasali si Alex. Baka isa raw ‘yun sa mga dahilan.

Sabi naman ng dalaga, hindi naman siya nakiki-komento sa mga puna ng mga kasama niya sa nasabing programa. Nakiki-tawa nga lang siya kapag may pinag-uusapan sila. Dahil may mga kaibigan din daw siya na ayaw niyang maapektuhan kung basta na lang siya magko-komento na magiging dahilan pa para magkaroon ng mga alitan.

Kahit na walang boyfriend si Alex ngayon, according to her – although sinasabing ang friend niyang non-showbiz na Jerome ang name (na nagte-take ng Law sa Ateneo) ang close sa heart niya – happy pa rin ang disposition ng dalaga.

BLIND ITEM: SA isang umpukan at usap-usapan, napagtuunan ang kumbaga eh, pagde-decluttering ng isang istasyon sa ilang mga tauhan nila. Kung saan marami nga raw ang mawawalis at mapapaalis.

Ayon pa sa usapang napa-kinggan namin, ilan nga sa mga ito eh, pinagre-resign na diumano. Pero nakikiusap na lang na tatapusin na lang ang kanilang mga kontrata.

Kaya raw naman pala, nananahimik na ngayon ang noo’y mga nagdi-diyos-diyosan sa kanilang mga posisyon.

Ang sabi pa sa umpukan, tatawa-tawa na lang at napakanta-kanta na nga sa pagkawala ng nasabing mga tauhan ang isang TV host,  na  minsan  ngang bi-niktima ng ilan sa mga nasabing tauhan nang ang kanyang programa eh, hindi inaprubahan para umalagwa nang tuluyan sa ere.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

7 thoughts on “Mga nagdi-diyos-diyosan sa isang istasyon, pinagre-resign na?!

  1. asus talaga namang bastos iyang c marian aminin ninyo na ayaw cyang masasabing maldita 22o namang maldita cya malaks lang cya talaga sa gma kung ako c alex dapat ndi na niya batiin ndi naman kawalan sa kanya c marian bobo naman cya lalo na sa english kya iyong mga nagsasabi lalo na kina willy cristy oc no man inggit na naman kyo taga kabilang istasyon kyo itulog ninyo na lang iyan kc mas mayman sa in yo ang kinaiinggitan ninyo mga gago..tumulong na lang kyo k daig pa ninyo ang nasa taas kung makapanghusga…

  2. I LIKE ALEX GONZAGA. KUNG PUWEDE NAMANG WALANG KISSING SCENES, WHY NOT ? INTERESADO TULOY AKO SA NON SHOWBIZ ATENEAN NIYA.

  3. Sana si Willie Revillame, Christy Fermin, Baron Geisler, Anabelle Rama sino p ba? etong mga taong to ang salot s showbiz eh.

  4. Sana isa na itong si Christy Fermin na paalisin dahil nakakasuka at nakakahiya siya sa showbiz industry, wala ng gusto ang mga tao sa kanya.

  5. e nginitian naman pala ni marian si alex nung pagkatapos nya sa stage eh, diba ganun naman talaga, isasalang na si marian syempre ang atensyon nya ay nakatuon na sa mga taong nasa harapan nya at di na nya pansin yung nasa paligid, kita nyo naman pagkatapos nginitian sya, wag nyo na ngang gamitin si marian sa promo ng teleserye nyo..

Leave a Reply

Your email address will not be published.