Mga Minero, Suspek sa Pagnanakaw sa 4 na Pawnshop

LUMALABAS SA pagsisiyasat ng mga kinauukulan na pawang mga minerong taga-Benguet ang nasa likod ng pagnanakaw sa magkakatabing sanglaan sa Camarines Norte.

Ayon kay P/Supt. Joselito Esquivel, provincial director ng PNP Camarines Norte, ayaw muna nilang pa-ngalanan ang mga pinaghihinalaang grupo subali’t malinaw sa kanilang pagsisiyasat na pawang mga minero ang may kagagawan ng pangyayari.

Aniya, hindi ordinaryo ang ginawang pagnanakaw ng hindi pa mabilang na sa-larin sapagkat nag-tunelling ang mga ito sa ilalim mismo ng apat na jewelry store sa bayan ng Daet.

Naghukay umano ng aabot sa lima hanggang 10 talampakan ang mga ito upang makarating sa ilalim ng flooring ng Cariñosa Jewelry Store maging ang tatlo pang establisimyento.

Tumagos umano ang butas nito hanggang sa drainage ng elevated plaza kung saan kayang madaanan ng dalawang katao.

Sa ngayon, inaalam pa rin nila kung saan talaga pumasok ang mga suspek dahil nagsanga-sanga na rin ang hinukay ng mga ito.

Aabot sa mahigit P10 milyong halaga ng alahas ang nakulimbat sa itinuturing na pinakamalaking insidente ng sabay-sabay na nakawan sa nasabing lalawigan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.