Mga Manggagawang Naaaksidente, Dapat Magsumbong

HINIMOK NG Institute for Occupational Health and Safety Development (IOHSAD) na ipaabot sa kanila ng mga manggagawa ang mga aksidenteng nagaganap sa kanilang mga pinagtatrabahuhan.

Kasunod ito ng ulat ng IOHSAD na kabuuang 112 ang nasawing manggagawa mula Abril, 2012 hanggang ngayong buwan, pinakamarami rito ay mula sa sektor ng pagmimina na aabot sa 44.

Pero naniniwala ang ahensya na marami pang aksidente sa mga kumpanya ang hindi naire-report.

Base sa impormasyon ng IOHSAD, madalas umanong itinatago ng mismong kumpanya ang mga nagaganap na aksidente upang hindi malaman ng publiko.

Samantala, naaareglo lamang ang mga nasasaktan o kamag-anak ng mga nasawi na manggagawa o kaya’y walang nakukuhang benepisyo mula sa kanilang kumpanya ang mga empleyadong naaaksidente.

Dahil dito, inilunsad ng IOHSAD ang kanilang monitoring system upang mabantayan ang mga suliraning may kinalaman sa kaligtasan ng mga manggagawa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.