Mga Manggagawa sa Banana Plantation, Sasanayin ng TESDA

BINABALANGKAS NA ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagsasa-nay sa mga manggagawa ng banana growers sa Southern Mindanao na apektado ng biglaang pagpapatupad ng bansang Tsina ng mas mahigpit na quarantine measures sa binibiling saging mula sa ating bansa.

Sinabi ni TESDA Director General Joel Villanueva na maaaring pagkakitaan ang mga overriped na saging na hindi tinatanggap ng Tsina dahil puwede itong gawing agricultural feeds.

Iniutos na nito sa TESDA Region 11 at 12 ang pangangalap ng impormasyon para sa pag-develop ng bagong merkado para hindi naman masayang o mabulok ang mga saging at mapagkakitaan pa ito ng banana growers.

Nauna nang sinabi ng mga banana grower sa Mindanao na buhat nang higpitan ng Tsina ang pag-import noong Marso, umabot na sa P1.44 bilyon ang nawala sa kanilang kita dahil sa mga nasayang na saging.

Base sa talaan ng National Statistics Office (NSO), aabot sa 2-bilyong kilo ng saging na nagkakahalaga ng $470 million ang ini-export ng Pilipinas taon- taon kung saan kabuuan ng 403-milyong kilo rito o katumbas na $85 million ang kinukuha ng Tsina.

Naniniwala si Villanueva na kapag may alternatibo nang pagkakakitaan ang mga banana growes sa pamamagitan ng paggawa ng agricultural feeds, mapapababa pa ang epektong nararamdaman sa paghihigpit ng bansang Tsina sa kinukuha nilang saging.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Mga Manggagawa sa Banana Plantation, Sasanayin ng TESDA

  1. Pingback: Mga Manggagawa sa Banana Plantation, Sasanayin ng TESDA - Joel Villanueva 2013 Elections

Leave a Reply

Your email address will not be published.