Mga maliliit na kubrador lang ang kayang hulihin Caloocan police, takot sa mga operator ng jueteng?

HINDI MAAARING IKAILA ng Caloocan City Police na walang ope-rasyon ng Jueteng sa kanilang area of responsibility (AOR) dahil may nahuhuling mga kubrador ng nabanggit na sugal, pero sa financier o kapitalista, walang mahuli.

Ayon sa ilang Caloocan Police insider, takot umano si Caloocan City Police Chief Sr. Supt. Jude Santos na ipahuli ang mga nag-ngangalang Mark Echiverri, Ruzzel Ramirez at isa pang Sherwin, mga kapitalista umano ng Jueteng.

Ang mga naarestong kubrador ng naturang sugal ay nakilalang sina Roberto Pamisa, 55, may-asawa, kubrador, at residentte ng # 86 Rivera St., Villa Luisa Subd., Brgy. 171, Bagumbong, Caloocan City; Agapito Cepe, 51, kubrador, ng Tres Marias Subd., Brgy. 168, Deparo, Caloocan City; at Jaime Esplana, 58, kubrador, ng Block 10, Lot 12, Emerald St., Citation Homes, Bahay Pari, Meycauayan, Bulacan.

Base sa ulat ni PO3 Allan Budios, may hawak ng kaso, bandang alas-4:00 ng hapon nang maaresto ang mga nabanggit na kubrador sa Bagumbong Dulo, Brgy. 171, Deparo. Nabatid na habang aktong nangungubra ng taya sa Jueteng ang mga suspek sa kanilang mga mananaya sa nasabing lugar, mabilis silang inaresto nina SPO1 Jorge Ortega at PO1 Enrico Mendoza.

Nakumpiska sa mga suspek ang mga pera na taya sa Jueteng, papilitos kung saan nakasulat ang mga numero ng taya at mga ballpen. Ayon pa sa mga impormante, ang kaya lang ng Caloocan Police na hulihin ay ‘yung mga kubrador, pero ang financier o kapitalista ay hindi mahuli-huli.

“Magaling sana kung ang mga nabanggit na financier o kapitalista ng Jueteng ang mahuli para kapani-paniwala na talagang sinsero ang Caloocan Police laban sa sugal na Jueteng,” sabi pa ng mga impormante. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.