Mga magulang ng 4 na paslit na biktima ng rape, humihingi ng katarungan

CAMP GEN. ALEJO Santos, Bulacan – Sumisigaw ng katarungan ang mga magulang ng apat na menor de edad na biktima ng rape at pangmomolestiya ng nakalalayang suspek na umano’y empleyado ng Baliuag Water District.

Ganap na alas-9:00 ng umaga nang dumulog sa tanggapan ni P/SSupt. Fernanado Villanueva ang mga magulang ng apat na paslit, kasama ang mga biktima upang humingi ng tulong sa sinapit ng kanilang mga anak.
Ayon kay Aling Merly, hindi tunay na pangalan ng Brgy. Sabang sa nabangit na bayan, mahigit na sa isang buwan simula nang halayin at molestiyahin ng manyakis na suspek na si Valeriano de Leon, 60, trabahador ng  nasabing water district, ang kanyang anak na si Lhea, hindi tunay na pangalan, 10 taong gulang.

Muling idinetalye ng biktima ang ginawang kahalayan ng suspek, kung saan ikinulong umano siya sa loob ng kanyang bahay. Habang nanonood ng bold movies, dinadaliri ng matanda ang kanyang ari na naganap noong Disyembre 8 2010. Matapos ito’y binantaan itong papatayin kapag nagsumbong sa mga pulis.
Ganito rin aniya ang sinapit ng tatlo pa niyang kaibigan, kung saan tinakot din. Dahil dito, humihingi sila ng hustisya, kung saan hanggang ngayon ay patuloy umano silang nakatatanggap ng pananakot mula sa suspek.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.