Mga magulang, naglalasing Magkapatid na paslit, patay sa sunog sa La Union

UMANI NG GALIT sa kanilang mga kapitbahay ang mag-asawang lasenggero at lasenggera nang mamatay sa sunog ang dalawa nilang anak sa bayan ng Bauang, La Union.

Sa ulat, madamdamin ang tagpong lumantad sa awtoridad nang makitang nakayakap pa ang isa sa mga biktima sa kapatid na habang isa naman ang sugatan makaraang masunog ang kanilang bahay sa Barangay Bacuit Norte.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga nasawi na sina Jayson Paloga, Jr., 4, at Jamaica Jane, 2 anyos, habang sugatan naman ang isa pa nilang kapatid na si Aysha, 7 anyos.

Sinasabing alas-9:00 ng gabi noong Miyerkules nasunog ang dampa ng mga biktima.

Ayon sa mga kapitbahay ng magkakapatid, humingi pa ng saklolo sa kanila ang panganay sa mga magkakapatid na si John Jonathan, Jr., 10, na himalang nakaligtas at hindi nasugatan sa naturang insidente.

Natutulog umano ang mga bata sa kanilang tirahan at wala ang kanilang mga magulang na sina Arlene at Jayson na noo’y nakikipag-inuman.

Sinasabing isang napabayaang kandila umano ang dahilan sa mabilis na pagkakasunog ng dampa.

Kasama umano sa naabong tirahan si Jamaica Jane, samantalang binawian naman ng buhay sa ospital habang nilalapatan ng lunas si Jayson.

Nasa mabuti na ring kalagayan ang kanilang kapatid na si Aysha matapos magtamo ito ng sugat sa katawan.

Bukod sa mga magulang, kinondena rin ng mga residente sa lugar ang hindi pagresponde ng bumbero at dumating lamang kahapon ng umaga para mag-imbestiga nang maibalita ang pangyayari sa radyo.      (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.