Mga magulang na sangkot sa prostitusyon, pananagutin

 

NAGBIGAY-BABALA ANG Palasyo sa mga magulang na nagtutulak sa kanilang mga anak sa prostitusyon na may pananagutan sila sa batas.

 

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na gumagawa na ng aksiyon ang Department of Social Welfare and Development para maproteksiyunan ang mga batang isinasadlak ng kanilang mga magulang sa child prostitution.

 

Hindi aniya katanggap-tanggap na inaaruga ng mga magulang ang kanilang mga anak para pagkakitaan dahil katungkulan ng mga ito na palakihin ang mga bata bilang mabuting mamamayan ng bansa.

 

Tiniyak ni Lacierda na nagtutulungan na ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para labanan ang cybersex lalo na sa mga bata.

 

Nakikipag-tulungan na rin umano ang mga ahensiya sa mga tourist establishments.

 

Aminado naman si Lacierda na ang tourism industry ay pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan dahil kinakailangang mabigyan ng proteksiyon ang mga kabataan para maiwasan ang maling impresyon ng mga banyaga sa slogan ng Department of Tourism na “It’s more fun in the Philippines.”

 

Inihayag din ni Lacierda na kailangang muling mag-usap ang mga awtoridad para buhayin ang isyu ng pagpaparehistro ng mga prepaid SIM cards na nagagamit sa prostitusyon.

 

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.