Mga Magsasaka, Sumugod sa DAR

SUMUGOD SA tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga magsasaka mula sa iba’t ibang probinsya sa paggunita ng ika-25 taong pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Nagsunog ng mga Certificate of Land Ownership Award (CLOA) ang mga magsasaka bago sinimulan ang kanilang programa.

Sinabi ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Sec. Gen. Antonio Flores na wala pa ring saysay ang CARP dahil nananatili pa rin ang kontrol ng mga mayayamang angkan sa malalawak na lupain na nakapaloob dito.

Nangunguna umano rito ang mahigit 6,000-ektaryang Hacienda Luisita ng Pamilya Cojuangco-Aquino na hindi pa rin naipamamahagi.

Nariyan din aniya ang Hacienda Looc at Hacienda Roxas sa Batangas at Hacienda Yulo sa Laguna.

Kasama rin ang malalawak na hacienda sa Bondoc Peninsula at Negros at maging ang farmlands ng Dole at Del Monte sa Mindanao.

Sa mahigit 1 milyong ektaryang lupaing nasa ilalim ng CARP, humigit kumulang 30,000 hectares pa lamang umano ang naipamamahagi sa mga magsasaka at pawang mga public lands pa lang ang naipamimigay.

Samantala, pagkatapos sa DAR ay sumugod din ang mga magsasaka sa Mendiola Bridge sa Maynila para magsagawa ng kilos-protesta.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.