Mga magsasaka ng Hacienda Luisita, kabado kina Carpio, Sereno at Jardeleza

NANGANGAMBA ANG mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa pagkakasama nina acting Chief Justice Antonio Carpio, Solicitor General Francis Jardeleza at Associate Justice Ma. Lourdes Sereno sa shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC).

Ayon sa grupong UMA at Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (AMBALA), traydor sa interes ng mga magsasaka sina Carpio, Sereno at Jardeleza.

Pero tiniyak naman ni UMA secretary-general Ro-

del Mesa, handa naman nilang harapin ang hamon sakaling mangyari ang kanilang pinangangambahan.

Agad nilang lalabanan ang bagong mahihirang na Chief Justice kung kontra ito sa agaran at aktuwal na pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita, ani Mesa.

Matatandaan na batay sa April 24 decision ng Korte Suprema, iniutos nito ang pamamahagi ng lupain sa mga magsasaka sa halip na magkaroon ng stock distribution.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Mga magsasaka ng Hacienda Luisita, kabado kina Carpio, Sereno at Jardeleza

  1. drama lang ang pagkakasali ni miss piggy delima para isipin ng mga tao na hindi kampon ni abnoy ang mga kandidato pang iba. mga kampon lahat ng baklitang panot sina carpio, jardeleza at sereno. kaya mga magsasaka sa luisita humanda na kayo kay panotsa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.