Mga Lugar na Nasa State of Calamity, Nadagdagan

NADAGDAGAN ANG bilang ng mga lugar na nagdeklara ng state of calamity dahil sa pinsalang iniwan ng bagyong Ofel.

Maliban sa Oriental Mindoro, nagpalabas na rin nang katulad na deklarasyon ang lokal na pamahalaan ng Lobo, Batangas at mga bayan ng Buug at Imelda sa Zamboanga Sibugay.

Una rito, umakyat na sa 27 ang bilang ng mga namatay dahil sa pagragasa ng naturang bagyo.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Dir. Benito Ramos, nananatiling may pinakamaraming naitalang fatalities ay ang Region 4-B na may naitala na siyam.

Pangalawa ang Region 4-A na may natukoy na walo. Sinusundan ng Region 12 na may lima; Region 5 at Region 7 na may tig-dalawa; habang isa sa Region 8.

Umaabot naman sa siyam ang patuloy na nawawala at 19 ang sugatan.

Samantala, tinatayang nasa 14,000 ang kabuuang bilang ng mga naapektuhang pamilya dahil sa nagdaang sama ng panahon.

Kasalukuyang halos P55 milyon na ang sinasabing nasirang imprastraktura at agrikultura sa mga lugar na dinaanan ng tropical storm Ofel. (PARAZZI REPORTO-

RIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.