Mga Lugar Na Nasa State Of Calamity, Dumarami

PATULOY PANG nadaragdagan ang bilang ng mga lugar sa Luzon na isinailalim na sa state of calamity.

Base sa report na ipinarating ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga nasa state of calamity ang lungsod ng Maynila, Pasay, Pasig, Malabon, San Juan, Navotas, Muntinlupa, Marikina, at Pateros sa Metro Manila.

Kabilang din sa isinailalim na rin sa state of calamity ay ang mga lalawigan ng Bataan, Laguna, Bulacan, Pampanga, Zambales, Olongapo City, Cavite at ilang bahagi ng lalawigan ng Rizal (Cainta, Rodriguez, San Mateo).

Ayon pa rin sa ulat ng NDRRMC, mahigit 1.2 milyon ang bilang ng mga apektado ng baha sa NCR, Ilocos Norte at Sur, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas.

Umabot na rin sa P13.64 milyon ang halaga ng relief assistance na naipagkaloob sa mga biktima ng baha; P7,669,796.20 mula sa DSWD, P4,839,379.50 mula sa LGUs at P1,135,400.00 mula sa NGOs.

Samantala, maging ang 52,293 pamil-ya o 264,814 katao na nasa labas ng evacuation centers ay naabutan na rin ng tulong.

Sa ilalim ng state of calamity, ginagamit ng pamahalaan ang budget para sa mga nasalanta gayundin para sa rehabilitasyon at sa pagpapatupad ng awtomatikong price freeze sa mga pangunahing bilihin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.