Mga Litrato Ni Liza Soberano, Patok Sa Mga Fans

Liza Soberano

Liza Soberano

Mga Litrato Ni Liza Soberano, Patok Sa Mga FansUmaagaw ng atensiyon ng mga fans ni Liza Soberano ang mga bagong litrato ng Kapamilya actress na makikita sa iba’t ibang lugar na dinarayo ng mga tao, pati na rin sa mga bus na bumibiyahe sa Metro Manila.
Ang gaganda kasi ng suot ni Liza sa mga nasabing photos, kung saan ang sexy rin ng kanyang dating. Kakaiba rin ang aura ni Liza Soberano sa pictures, na talaga naman nabibighani ang lahat ng mga nakakikita.
Dahil sexy si Liza sa photos, nasabi tuloy ng ibang fans ng Kapamilya actress na puwede palang lumabas na super hero si Lisa. May hirit tuloy ang mga fans na bagay lumabas na Darna ang partner ni Enrique Gil sa top-rating drama series na “Dolce Amore” ng ABS-CBN. With her height and beauty, papasa talagang Darna ang sikat na teen actress.
Actually, ang mga nasabing larawan ay parte ng promo ni Liza sa kanyang bagong endorsement – ang Yazz Prepaid Card.
Ang Yazz Card, isang bagong Prepaid Card which functions like a credit card. Puwedeng-puwede raw niya itong gamitin to buy whatever she wants or desires.
Bagama’t hindi pa siya puwedeng magkaroon ng credit card, pero dahil sa Jazz card ay puwede nang ma-experience ni Liza na mamili on her own own kahit hindi niya kasama ang kanyang mga magulang. Excited na nga siyang mag-browse sa kanyang mga paboritong fashion boutiques.
“I just can’t wait to shop. Mabuti na lang may bagong prepaid card called Yazz na puwede kong gamitin para makabili ng mga items na gusto ko,” sabi ni Liza.
Nakipag-partner ang Yazz sa Family Mart. Pumirma ang Metrobank Card Corporation (MCC) last February ng isang partnership agreement with Philippine FamilyMart CVS, Inc., ang franchiser of the Tokyo-based convenience store brand para lumawak ang reach of its newest offering, the Yazz card.
Sa halagang P300, puwede ka nang mag-avail ng isang prepaid Yazz card na mabibili sa mga merchant partners nationwide.
Madali rin mag-load ng funds sa inyong Yazz card. Magtungo lamang sa mga loading partners nationwide at ibigay ang inyong Yazz number. You can load from P100 to P10,000 with minimum loading fee.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.