Mga Labi ni Nicole, Ililipat sa Eskuwelahan Bago Ilibing

ILILIPAT ANG mga labi ni Stephani Nicole Ella, ang 7-anyos na batang babae na nasawi nang tamaan ng ligaw na bala sa ulo noong Bagong Taon, sa Tala Elementary School sa Caloocan City sa dara-ting na Biyernes, Enero 11 bago ito ihatid sa kanyang huling hantungan kinabukasan.

Ang paglilipat ay gagawin base na rin sa kahilingan ng principal at mga guro ng naturang paaralan sa Pamilya Ella upang ipakita ang naging epekto ng walang pakundangang pagpapaputok ng baril noong Bagong Taon.

Ayon sa mga magulang ni Nicole, pansamantalang ililipat ang burol sa eskuwelahan ng kanilang anak at sa gabi ay dadal-hin ang labi nito sa the Lord’s Flock Sanctuary Church sa Tala, kung saan ito mananatiling nakaburol magdamag bago ili-bing kinabukasan, araw ng Sabado  sa Sanctuario de Paz sa Norzagaray, Bulacan.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.