Mga Kundisyon ni Kiram, ‘Di Katanggap-tanggap – Palasyo

HINDI KATANGGAP-TANGGAP para sa Palasyo ang hiling ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III na makausap muna si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III bago tuluyang lisanin ng mga tagasuporta nito ang Sabah.

Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda sabay iginiit na dapat munang bawasan ang tensyon sa Lahad Datu para matiyak ang kaligtasan hindi lamang ng mga tagasuporta nito kundi maging ng higit 800,000 Pinoy na naninirahan sa Sabah.

Ngunit sinabi naman nitong bukas si P-Noy na makipagdayalogo sa Pamilya Kiram matapos umalis ang mga Pinoy sa Sabah standoff.

Ayon pa kay Lacierda, hindi nakatutulong sa kani-lang posisyon sa Sabah ang pagkakaroon ng mga armadong Pinoy sa lugar.

“You want a presentation of your claim. You want the government to help [in] your claim… The President has asked them, ‘Come back to the Philippines, we’ll discuss, I will talk to you. You cooperate with us, we will talk to you.’ But what have they said? No, they refuse to. You don’t hold a gun to my head and you negotiate. It’s like you put a gun to my head, mag-usap tayo. That’s not the way decent people do negotiations,” ani Lacierda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.