Mga kumpanyang hirap sumunod sa wage hike, darami pa

NANINIWALA ANG National Wages and Productivity Commission (NWPC) na darami pa ang bilang ng mga kumpanyang mahihirapang sumunod sa inaprubahang umento sa sahod.

Base sa talaanng NWPC, mayroong 130 kumpanya sa buong bansa ang nagsumite ng aplikasyon para ma-exempt o mabigyan ng pahin-tulot na hindi magpatupad ng wage hike.

Sinabi ni  NWPC Executive Director Ciriaco Lagunzad, na binabanggit ng mga kumpanyang hindi kayang makapagpatupad ng umento sa sahod ang iba’t ibang kalamidad na tumama sa bansa at problemang pampinansyal.

Dahil dito, lalo aniyang lalaki mula sa kasalukuyang 15 porsiyento ang bilang ng mga kumpanyang hindi makatutugon sa P30 umento sa sahod. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.