Mga Kumpanya ng Bus, May Libreng Sakay ng Relief Goods

SA GITNA ng biglang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa Visayas, nag-alok ng libreng serbisyo ang mga operator ng public utility bus at private cargo trucks para maibiyahe at maiparating ang relief goods sa mga nasalantang lugar nang hindi na umaasa ng pondong panggasolina mula sa pamahalaan.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Winston Ginez, hindi lamang nag-alok ng libreng biyahe ang mga operator ng bus at truck ngunit maging ang serbisyo ng kanilang mga driver at gamit ng sasakyan.

Nakipagpulong si Ginez sa mga operator ng truck at bus upang silay ay makatulong sa mobilization plan ng Department of Transportation and Communication (DoTC) para maiparating ang relief goods, gamot, construction materials at iba pang materyal na tulong para sa daan libong naapektuhan ng kalamidad.

Kabilang sa mga nag-alok ng tulong ay mga kasapi ng Philippine Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP), DLTB, Philtranco, Genesis, Titan Bus, Santrans, Cerex at Metro Bus.

Samantala, nagsimula na kamakailan ang pagkakarga ng may 50,000 kahon ng relief goods mula Metro Manila patungong Visayas matapos ideklara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maaari nang daanan ng mga sasakyan ang mga lasangan na naapektuhan ng bagyong Yolanda.

“Starting this Wednesday, public buses and trucks will be deployed to designated calamity stricken areas. Nakipag-ugnayan na po kami sa mga bus operators natin para tumulong sa relief operations na isinasagawa ng iba’t ibang departamento ng ating gobyerno para matulu-

ngan ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda,” pahayag ni Ginez.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.