Mga Kriminal sa Maynila, Uubusin ni Erap sa Loob ng 100 Araw

TINATARGET NI Mayor Joseph “Erap” Estrada na wakasan ang kriminalidad sa Maynila sa loob ng 100 araw.

Sinabi ni Estrada na inatasan na niya si Supt. Isagani Genabe Jr., bagong hepe ng Manila Police District, na ubusin ang mga kriminal sa lungsod kund hindi ay kakailanganin nitong magbitiw sa puwesto.

Ganito rin ang palugit ni Erap sa pagresolba sa problema ng basura at trapiko sa lungsod.

Gayunman, binigyan naman ng alkalde ng isang linggong palugit ang mga tindero para ayusin ang negosyo ayon sa mga patakaran ng lokal na gobyerno.

Samantala, isa rin sa mga plano ni Estrada ang pagkakaroon ng night market upang maibsan ang problema sa trapiko.

“Hindi ko p’wede silang alisin agad. Bibigyan pa natin ng mga isang linggo, dahil siyempre naghahanap-buhay iyan. Ang pinakamaraming mahirap, nasa Maynila. Ang pinakamaraming walang trabaho, nasa Maynila.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.