Mga kriminal, bini-baby ng gobyerno – Sotto

INAALAGAAN O “Bini-”baby” ng gobyerno ang mga kriminal sa Pilipinas kung hindi bibigyang-bisa ang parusang bitay o death penalty.

Ito ang sinabi ni Sen. Tito Sotto na nagsulong ng Senate Bill 2080 o An Act Imposing Death Penalty para ma-repeal ang Republic Act 9346 na nagbabawal sa pagpapataw ng parusang kamatayan sa bansa.

Iginiit ng mambabatas na tinatawag na ng internatonal community na playground ng drug syndicates ang Pilipinas dahil sa pagpasok ng mga drug traffickers na galing sa iba’t ibang bansa.

“Tinatawag na nga raw tayong playground [ng mga international narcotics enforcers] eh kasi kita mo kahit Mexican drug cartel gustong pumasok dito… Hindi nila pwedeng gawin [pumasok] in any part of Asia eh ang laki ng market sa Asia.”

“Sa Singapore papatayin sila eh. Sa Malaysia papatayin din sila. Sa China papatayin sila. Sa Pilipinas, aalagaan sila? Bi-baby-hin natin yung mga heinous criminals?” dagdag pa ni Sotto.

Laganap din aniya ang mga kaso ng panggagahasa at magpatay sa bansa na mapipigilan sana ng bitay.

“Kung yan bang death penalty nandi-diyan nun eh nagkaroon kaya ng Maguindanao massacre? Kung may death penalty, yun bang 6-year old two weeks ago na ni-rape at pinatay, ginawa kaya yun?”

Samantala, nirerespeto ni Sotto ang reaksyon ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at ng senado kaugnay sa death penalty.

Aniya, mas maganda pa rin kung mapapag-usapan ang nasabing panukala lalo kung makakatulong to sa estado laban sa kriminalidad.

“This is a defense of the state against heinous criminals. Kung wala nito, magiging salvaging ang mangyayari kung gustong kumilos ng estado,” ayon pa sa senador.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.