Mga krimen kahit may gun ban
PNP, Pinagpapaliwanag ng Comelec

IKINABABAHALA NI Commission on Election (Comelec) Chairman Sixto Brillantes ang sunud-sunod na nagaganap na krimen habang umiiral ang gun ban partikular ang panloloob sa jewelry shop sa SM Megamall, pagpatay kay Maconacon Mayor Erlinda Domingo at ang pananambang sa La Castellana sa Negros Occidental na ikinawi ng 9 na katao.

Dahil sa mga pangyayari, pinasusumite ni Brillantes ng ulat ang PNP at pinagpapaliwanag hinggil sa mga serye ng insidente upang matukoy kung tumaas ang krimen kahit mahigpit na ipinapatupad ang gun ban sa bansa.

Samantala, iginiit naman ni Brillantes na tiwala pa rin siya sa PNP na nagagampanan pa rin nila ang kani-lang trabaho.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.