Mga Korte, may pasok ngayong araw ng halalan

TULOY ANG operasyon ng mga korte sa bansa ngayong araw  kahit idineklarang special non-working holiday ito dahil sa idaraos na nationwide barangay elections.

Ito ang kautusan na inilabas ng Korte Suprema, na sumasaklaw sa mga korte na nasa ilalim ng panga-ngasiwa ng Office of the Court Administrator.

Inaatasan  ang mga executive judge at clerks of courts ng mga Regional Trial Court (RTC), Metropolitan Trial Court at Municipal Trial Court na pumasok sa trabaho nga-yong araw ng halalan.

Layunin ng Supreme Court (SC) na matugunan kaagad ng hukuman ang mga kasong may kinalaman sa eleksyon sa natu-rang araw.

Samantala, inatasan ni Court Administrator Midas Marquez ang mga clerk of court na maghanda ng skeletal force na tatanggap ng bayad para sa court fees at cash bonds na may kinalaman sa mga election offense.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.