Mga korap sa Iloilo, ikakanta ni Miriam

MULING NAGBABALA si Senator Miriam Defensor-Santiago na ibubulgar niya ang mga corrupt na mga kapwa niya Ilonggong pulitiko.

Nagbabala ang se-nadora NAng maging panauhin sa commencement exercises ng West Visayas State University sa Iloilo City.

Inihayag ng mambabatas na alam niya kung sinu-sino ang mga corrupt na pulitiko sa lalawigan ng Iloilo.

Wala pa namang pi¬nangalanan na mga pulitiko si Santiago na sinasabi n’yang magnanakaw, pero ipinahiwatig na kung sino ang may malaking proyekto sa nasabing lalawigan ay siya ring may malaking kickback.

Nagbabala pa si Santiago na kapag mabigyan ng pagkakataon na mag-deliver ng isa pang speech, isa-isa niyang panga¬ngalanan ang mga magnanakaw na Ilongo officials.

Idinagdag pa ng senadora na nagkamali yata siya sa kinuhang kurso kung saan kumuha pa siya ng doctorate degree sa ibang bansa na ang magiging papel lang pala niya ay ang pakikipaglaban sa mga corrupt na pulitiko.

Sana ay nag-aral na lamang siya ng martial arts dahil ito ang kanyang kaila-ngan sa ngayon, dagdag pa ni Santiago.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.