Mga Kontra Vs Drug Test sa Lisensiya, Sinupalpal ng Palasyo

SINUPALPAL NG Palasyo ang mga kumokontra sa pagpapatigil ng mandatory drug testing kahit pa sinasabing tataas ang bilang ng mga adik na driver.

Sinabi ni Deputy Pre¬sidential Spokesperson Abigail Valte na mas mahigpit ngayon ang ipinasang Anti-Drunk and Drugged Driving Act dahil maaring ilang beses na isailalim sa drug test ang mga mapaghihinalaan na naka-droga o lasing habang nagmamaneho lalo na yong mga masasangkot sa aksidente.

Inihayag pa ni Valte na marami pa rin namang adik na nabibigyan ng lisensiya kahit pa sumailalim sila sa drug test tuwing kumukuha o magre-renew ng lisensiya dahil maaring mamanipula ang resulta nito. ‘Predictable’ o alam umano ng isang kukuha ng lisensiya kung kailan siya dapat mag-renew kaya puwede itong gumawa ng paraan para hindi magpositibo sa paggamit ng illegal substance.

Dahil sa bagong batas maari na umanong isai¬lalim sa drug test ang mga drivers na makikitaan ng senyales na nakagamit ito ng iligal na droga o kaya naman ay nagmamaneho ng naka-inom.

Naniniwala naman si Sen. Tito Sotto na hindi naging epek¬tibo ang mandatory drug test tuwing kumukuha o nagre-renew ng lisensiya dahil lumabas na sa napakahabang panahon na ipinatupad ang batas halos 0.06 porsiyento lamang ang nag-positibo.

Ayon naman kay Goerge San Mateo, pangulo ng Piston, naging napakalaking dagdag-bayarin lang ito sa mga PUV driver at karaniwang motorista simula nang ipatupad ito noong 2002 bilang bahagi ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Inihayag din ni San Mateo na noon pa man ay nagbabala na sila na magiging money-making at milking cow lamang ng pamahalaan ang pagsasagawa ng drug testing ng mga private drug testing centers na nagpapataw ng malaking singil na karaniwan ay nasa P350 samantalang sa mga pampublikong ospital ang karaniwang drug testing ay nasa P50 lamang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.