Mga Kontra sa Cybercrime Law, Nag-rally sa SC

NAG-RALLY PATU-NGONG Supreme Court (SC) ang mga kontra-Cybercrime Law kaugnay ng isasagawang oral argument kahapon.

Pero nabigong makalapit sa tanggapan ang mga raliyista dahil sa harap pa lamang ng UP Faura ay hinarang na sila ng crowd dispersal unit ng Manila Police District (MPD).

Maging ang isang grupong sasali sana sa mga nagpoprotesta ay hindi na nakatuloy dahil pinigilan naman sila ng mga pulis sa kanto ng Taft at Padre Faura.

Dahil dito, nagprograma na lang sila sa may layong 50 metro mula sa SC at patuloy na inantabayanan ang oral argument.

Unang kaso para kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang Cybercrime Law kaya hinamon itong ipakita ang independence ng Korte Suprema at palawigin indefinitely ang una nang inilabas na 120-day temporary restraining order (TRO) na magtatapos sa Pebrero 6.

Samantala, hiniling pa ng grupo na ibasura ang Cybercrime Law at bumuo ng panibagong batas na tumitiyak na hindi matatapakan ang press freedom.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.