Mga Kawatang Tropa ni Chief?

0915865xxxx – Sir idol, sana po ay paimbestigahan ninyo ang mga pulis-Depo, tulad ni Gorce, James at marami pa pong iba. Sila po ang nagpapaakyat ng mga mandurukot at magnanakaw sa MRT sa Edsa station. Si alyas Pepe, Cocoy, Eweng at iba pa. Itong mga taong ito ay markadong matinik na mandurukot at labas-pasok na sa kulungan. Sila ay nagbibigay sa mga pulis-Depo ng lingguhang tong para tuluy-tuloy ang kanilang pandurukot. Minsan pa nga, kapag sila ay nahuhuli ibinibigay nila ang cellphone na nadukot nila at iyon ang pasaporte para muling makagawa ng kasamaan. Sana po ay matulungan ninyo kami na mahuli ang mga taong ito. Maraming salamat po at more power po sa inyong show.

 

0917514xxxx – Mr. Idol, ako po ay isang concerned citizen. Nais ko pong ipagbigay-alam sa inyo na talamak ang bentahan ng double dead o botcha na baboy rito sa lugar ng Brookside, Bamban, Tarlac City. Sana po ay mabigyan po ninyo ng aksyon ang bagay na ito dahil marami po ang maaaring mapahamak sa kanilang ginagawa. Maraming Salamat po.

 

0910265xxxx – Mr. Tulfo, nais ko pong ireklamo ang mga pulis na nanghuli sa akin kahit wala po akong ginawang paglabag sa batas. Hinuli po ako ng pulis na nagngangalang Galas Santos at pinagbayad po ako ng halagang apat na raang piso para raw po sa aking violation. Dito po ito sa tapat ng St. Luke’s, E. Rodriguez. Sana po ay maimbistigahan ninyo ang pulis na ito. Salamat po.

 

0921572xxxx – Tol Raffy, nais ko pong ireklamo ang mga nangongotong na pulis dito sa lugar ng Binondo at Divisoria. Kapag kami po ay hindi nagbigay, ipahuhuli po nila kami o bubutasin ang aming mga gulong. Masyado po ang ginagawang pamiminsala ng mga abusadong taong ito. Tulu-ngan po ninyo kami na maparusahan ang mga pulis na ito.

 

0919524xxxx – Boss Raffy, nais ko lang pong itanong kung bakit po karamihan ng mga TMO Enforcer ng Taguig City ay walang plakang nakakabit sa kanilang mga motor? Pero napakagaling nilang manghuli ng mga motorista samantalang sila mismo ay lumalabag sa batas.

 

0932170xxxx – Mr. Action Man, irereklamo ko lang po si Kagawad Bassig at kanilang mga tanod dito sa Barangay 20, Zone 2, Parola, Tondo, Manila. Siya po ang promotor ng tupada at cara y cruz sa aming barangay. Kahit po alam nila na iligal ang kanilang ginagawa ay patuloy pa rin po ang mga ito. Sana po ay mabigyan ng leksyon ang kagawad na ito.

 

0915760xxxx – Boss Tulfo, maaari po ba ninyong kalampagin ang mga MMDA dito sa lugar ng GMA-Kamuning. Nakikita po nila na sobrang buhul-buhol na ang trapiko pero wala man lang aksyon na ginagawa. Sayang lang po ang pinapasuweldo sa mga taong ito dahil wala naman silang pakinabang. Sana po ay mapansin ninyo ang aming hinaing. Maraming salamat po.

 

Kung kayo ay may mga sumbong na nais ninyong iparating sa inyong lingkod itawag sa ITIMBRE MO KAY TULFO (IMKT) sa 0908-87-TULFO. Ang IMKT ay isang segment ng Balitaang Tapat na mapapanood sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:15. Maaari ring kayong tumawag sa WANTED SA RADYO (WSR) sa 0917-87-WANTED. Ang WSR ay mapapakinggan sa 92.3FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes 2-4 pm. Ito ay mapapanood simulcast sa AKSYON TV, Channel 41. Maaari ring kayong tumawag sa T3 sa 0918-983-T3T3. Ang T3 ay mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 5:30-6:00pm sa TV5. 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.