Mga kawatan sa NAIA!

• 0915897**** – Sir, irereklamo ko lang po ang mga airport police sa Ninoy Aquino International Airport na panggabi. Lagi po silang nangongotong sa may Terminal 1 pagdating ng last flight. Lagi pong nakatambay ang makakapal ang mukhang police na iyon sa isang coffe shop.

 

• 0926217**** – Idol, gusto ko lamang pong ireport ang isang pulis ng Parañaque na nanghihingi ng pera para lamang palayain nila ang tatay ko at mga kaibigan niya. Hinuli po sila sa loob ng bahay namin na nagsusugal sa loob lang ng bahay.

 

• 0921432**** – Idol Raffy, isa po akong concerned citizen, nais ko pong humingi ng tulong na makalampag ang mga kinauukulan na matulungan kami dahil mayroon po kaming isang kapitbahay rito sa aming lugar na sa tuwing nalalasing ay nagpapaputok ng kalibre .45.

 

• 0949369**** – Isa po akong taga-Pasig, itatanong ko lang po kung tama ba ang ginawa ng mga tanod at pulis na inakyat ang gate namin at tinadyakan ang pinto ng bahay ko?

 

• 0918679**** – Idol, pakiaksyunan naman po ang nangyaring

pagkamatay ng isang musmos dahil sa kapabayaan ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army Camp Capinpin, Sampaloc, Tanay, Rizal sa kanilang firing range, hinaharas pa po ng mga sundalo ang mga sibilyan na nakatira sa paligid, pinalalabas pa po na sila ang sinisisi sa pangyayari.

 

• 0912583**** – Sir, itatanong ko lang po kung po puwedeng mag-duty as guwardiya ng isang security agency ang isang active na pulis? Dito po kasi sa Batangas City nagkukulang na nga ang mga pulis, nagdu-duty pa siya as a security guard.

 

• 0939428**** – Irereklamo ko lang po ang mga SWAT dito sa Las Piñas na mga naka-motor dahil lagi po silang nangongotong.

 

• 0921488**** – Sir, isusumbong ko lang po ang LTO dito sa Carcar City, Cebu. Magbabayad ka lang ng P3,500.00 para sa exam ay pasado ka na agad pero kapag hindi ka nagbayad sigurado na pong hindi ka papasa.

 

• 0923825**** – Sir, ire-report ko lang po na ang kalye Moriones sa Tondo Manila ay nagiging prone po sa mga krimen. Laging may nahoholdap at nananakawan sa nasabing lugar. Sana po ay magkaroon ng police visibility sa lugar na ito para mabawasan ang mga nangyayaring krimen. Salamat po.

 

• 0929300**** – Idol, concerned citizen po ako ng Barangay Canlubang, Calamba City. Hihingi lang po ako ng tulong para maipaayos ang tulay sa Sitio Mangumit 2 dahil masyado pong delikado sa mga nakatira rito.

 

• 0922895**** – Sir, irereklamo ko lang po ang eskuwelahan ng Kasiglahan National High School sa Montalban, Rizal dahil kawawa po ang mga bata sapagkat walang CR ang mga grade 1 hanggang grade 6. Isa lang po ang CR ng school kaya lang ay nasa baba, kung umihi ang mga bata ay sa balde lang po. Sana po ay matulungan ninyo ang mga mag-aaral sa eskuwelahang ito.

 

• 0932900**** – Sir, itatanong ko lang po kasi hinuli ako ng isang traffic enforcer ng Marikina dahil no helmet ako pero noong may nagsabi sa aking may nanghuhuli ay naghelmet na ako noon. Hinabol ako ng enforcer at binangga ng bahagya iyong gilid ng motor ko, sa sobrang takot ko po kasi noon ay hindi agad ako nakahinto. Paghinto ko dahil baka lalong magasgas ang motor ko, galit na galit at pinagmumura po ako ng traffic enforcer at binantaaang itutumba dahil tumutumba raw siya ng tao. Ire-revoke din daw ang lisensya ko at dahil taga-DOTC din daw siya ay si-nabihan akong kahit kailan ay hindi na ako makapagmamaneho ng sasakyan. Tama po ba iyon, Sir?

 

Para sa inyong mga sumbong mag-text sa 0908-87-TULFO o sa 0917-7-WANTED.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.