Mga Katutubong Pabor sa APECO, Nag-Rally

MAHIGIT ISANG libong mga sumusuporta sa Aurora Pacific Economic Zone and Free Port na matatagpuan sa Casiguran, Aurora ang nagtipun-tipon sa kapitolyo ng Aurora at nagmartsa patungo sa munisipyo ng Baler para ipakita at ipahayag ang kanilang pagsuporta sa APECO.

Nabatid na ang APECO ay tinututulan at binabatikos ng ilang tao sa pagunguna ng paring lingkod ng Nuestra Señora Dela Salvacion Parish sa Bianoan, Casiguran na si Rev. Fr. Jufran Talaban.

Matatandaang nagmartsa ng halos 350 kilometro mula Casiguran Aurora hanggang Maynila noong isang linggo ang 120 tao sa pangunguna ni Fr. Jufran para hilingin kay Pangulong  Aquino na ipawalang-bisa ang APECO at huwag itong bigyan ng pondo dahil diumano sa pagpapaalis sa mga katutubo, pang-aagaw ng lupa at iba pa.

Ayon sa tribal consultant at dating pangulo ng Samahan ng mga katutubong Dumagat sa Aurora (SAKADA) na si Conchita Descarga, isinagawa nila ang pagtitipon para ipakita ang kanilang suporta sa APECO at para pabulaanan ang bintang diumano ng mga anti-APECO na pinaalis at inagawan ng lupa ang mga katutubo.

“Iilan lang naman ‘yung nalalason ang isip ni Jufran pero naniniwala kami na malapit na naming makuha ang mga dati naming mga kasamahan dahil mapatutunayan namin na walang pinaalis at inagawan ng lupa ang APECO,” pahayag ni Descarga.

Ani Descarga, isang malaking kasinungalingan ang kuwento ng pari sa utak ng mga katutubo. “Hindi na nga kami nakapag-aral, lantaran pa niyang niloloko ang aming mga kasamahan,” dagdag nito.

Ang paratang ng mga anti-APECO ay mariin ding pinabulaanan ni Dumagat Chieftain Joel Guerra alyas “Katol” at sinabing napakaganda ng APECO para sa kanila dahil ito diumano ang nag-angat sa kanila at nagbigay ng hanap-buhay. “Wala pong inagawan ni isa man o pinaalis na katutubo. Kinse anyos pa lamang ako at ngayon ay mahigit 50 na ako at wala pa akong nakita o nalaman na pinaalis ng APECO.”

Ikinatuwa naman ng presidente ng APECO na si Atty. Malcolm Sarmiento ang nangyaring pagtitipon at patunay raw ito na mahalaga ang APECO sa kabuhayang ibibigay nito sa mga tao.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

4 thoughts on “Mga Katutubong Pabor sa APECO, Nag-Rally

  1. Nakakainis naman! Tinawag tawag pa si PNoy, nagdrama drama pa, ang dami pang nagalit na mga tao di naman pala totoo?! Grabe naman!! Dapat talaga matuloy ang APECO kung ganyan, naawa awa pa ako sa inyo nung una di naman pala kayo nagsasabi ng totoo!!

  2. Ani Descarga, isang malaking kasinungalingan ang kuwento ng pari sa utak ng mga katutubo. “Hindi na nga kami nakapag-aral, lantaran pa niyang niloloko ang aming mga kasamahan,” dagdag nito.

    –Well, buti naman at nakapag salita na sila, if not, sila pa yung naging victims eh sila naman yung mas marami..

  3. Ang katotohanan talaga lalabas at lalabas, at buti naman eh malalaman na ng mga tao ito dahil nag salita na ang mga tunay na mga taga-casiguran.

Leave a Reply

Your email address will not be published.