Mga Kasabwat ng US Nat’l sa Credit Card Scam, Tugis

TINUTUGIS NA ng Philippine National Police (PNP) ang mga posibleng kasabwat ng isang US national na naaresto dahil sa credit card scam.

Maaalala na naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang entrapment operation sa Taguig City si Lance David Lomako, matapos itong maaktuhan na nagbebenta ng database na naglalaman ng bank account holders sa isang nagpanggap na kliyente.

Sinabi ni PNP spokesman C/Supt. Generoso Cerbo Jr. na malinaw na malaking scam ito dahil mahirap gawin ng iisang tao lamang ang nasabing modus operandi.

Kabilang sa nasamsam kay Lomako ay ang aabot sa 14,000 credit cards, kasama ang mga impormasyon nito.

Samantala, nabatid na pawang sa Pilipinas naka-issue ang nasabing mga card kaya pinaniniwalaang kalat sa buong bansa ang galamay ni Lomako.

Sa ngayon, patung-patong na kaso ang naghihintay sa dayuhan dahil sa naturang krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.