Mga Kapatid ng mga Sikat, Nag-auditon sa Reality-Based Artista Search

NAPUNO NG mga na-ngangarap na maging artista at mapanalunan ang pinakamalaking papremyo, so far, ng isang artista search ang Smart Araneta coliseum noong Martes, sa one-time audition ng Artista Academy ng TV5.

Umabot ng halos 13 thousand ang nagtiyagang pumila sa initan para lamang magbakasakali na makapasok sa pinakamalaking artista search sa bansa ngayon. Ilan sa mga medyo kilala na ring nag-audition ay sina Angelo Patrimonio, Bey Bisaya, mga kapatid nina Gerald Anderson at kapatid ni Aljur Abrenica na si Alvin.

Nakausap namin si Alvin at ayon sa kanya, nagpaalam siya sa kanyang kuya Aljur na mag-audition siya at pinayagan naman daw siya. Ayon pa kay Alvin, gusto niyang maranasan ang mga challenges at mga training na pagdadaanan ng isang sikat. Ayaw daw niya ng shortcut.

Sakali mang mapabilang siya sa labing anim na masusuwerteng magtuluy-tuloy sa search, gagawin daw niya ang lahat para mapatunayang hindi lamang siya kapatid ni Aljur kundi kaya rin niyang tumayo sa sarili niyang  mga paa.

Goodluck sa lahat!!!

 

NAKAUSAP NAMIN si Cesar Montano sa audition ng Artista Academy at masaya siyang very successful ang turned out ng mga nais maging artista. Nakaka-relate daw siya dahil noong pumasok siya sa showbiz ay nag-audition din daw siya at hindi biro ang kanyang mga pinagdaanan noon para lamang makilala ng taumbayan.

Si Cesar ang magho-host ng gala night every week ng Artista Academy at si Marvin Agustin naman ang sa daily challenges.

Nagkataong birthday naman ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal noong June 19 kaya naman masayang ibinalita ni Cesar na malapit na niyang simulan ang paggawa ng pelikulang hango naman sa mga obra ng National Hero.

Sesentro raw ang takbo ng kuwento sa mga akdang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Matatandaang naging blockbuster ang unang movie ni Cesar tungkol kay Rizal noon. Kaya tiyak na kaabang-abang na naman iton g next movie ni Buboy!

 

NAMATAAN NAMIN si Cristalle Belo sa birthday charity build ni Ruffa Gutierrez sa Habitat for Humanity sa may Payatas last week at masayang ikinuwento ni Cristalle na nagagalak siyang nakakagawa ng mga ganitong charity works. Kasama ni Cristalle ang kanyang boyfriend of 7 months na si Jason Sabio na miyembro ng Azkals.

Inusisa namin si Cristalle kung totoo ba ang tsikang nagkabalikan na nga ba ang kanyang mommy at si Hayden Kho, pero isang big no ang kanyang sagot sa amin.

Ayan ha? Malinaw, walang balikang nagaganap!!!
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

7 thoughts on “Mga Kapatid ng mga Sikat, Nag-auditon sa Reality-Based Artista Search

  1. san na ba yung mga nanalo sa artista search nila nuon??? nasa kangkungan parin??? magdedescover nanaman kuno eh wala pa nga napapatunayan mga nadiscover nila kuno baka naghahanap alng ng bagong ma tsutsupa si MVP kaya nagpa pabooking search sya hahahahahha

  2. dagdag lang ang talent search na toh sa magiging lugi ng tv5 sa 2012 wala ring mapapala…. walang sisikat sa mga to….

    2010 loss       2.16B
    2011 loss       4.14B

    magkano kaya ang magiging lugi nila sa 2012..?? 

Leave a Reply

Your email address will not be published.