Mga Kapalpakan sa Isabela!

  • 0933438**** – Sir Raffy, pakiimbestigahan naman po ang mga pinaggagagawa ng mga kinauukulan dito sa amin sa Isabela dahil marami silang mga proyekto rito na puro simula lang at hindi tinatapos tulad ng tulay at river control. Mga nakatiwangwang lang po at ‘di na inaasikaso.

 

  • 0908345**** – Idol, ire-report ko lang po iyong isang PO1 sa Pasig City dahil lahat ng truck o tricycle na dumaraan dito sa barangay namin ay kinokotongan niya.

 

  • 0943613**** – Sir, itatanong ko lang po kung tama po ba iyong ginawang paghuli sa kapatid at tiyuhin ko ng mga pulis kasi po hanggang ngayon ay hindi namin alam ang kaso nila. Kapag tinatanong namin ang mga pulis, wala naman pong masabi. Sana po ay matulungan ninyo kami para maliwananagan ang lahat. Salamat po.

 

  • 0930120**** – Sir Raffy, itatanong ko lang po kung tama po bang may bayad ang pagpapa-blotter sa barangay? Sana po ay masagot ninyo kami. Salamat po.

 

  • 0932301**** – Sir, itatanong ko lang po kung iyong mga empleyado rito sa LTO Main Office ay talagang walang mga suot na I.D. kasi hindi na namin malaman kung sino ang mga nagtatrabaho talaga sa LTO at kung sino ang mga fixer dahil ang daming labas-masok sa loob ng mga opisina.

 

  • 0912620**** – Mr. Tulfo, hihingi lang po ako ng tulong kasi po iyong anak kong trese anyos na babae ay pinagsisigawan po ng isang head teacher nila sa school. Nakatanggap po siya ng mga masasakit na salita na hindi dapat isinisigaw o lumalabas man lang sa bibig ng isang naturingang gurong may pinag-aralan na tagapagpatupad pa man din ng disiplina. Sobrang napahiya po ang anak ko at ngayon ay ayaw nang pumasok dahil ang daming nakarinig sa sinigaw sa kanya ng head teacher. Sana po ay matulungan ninyo kaming mabigyan ng leksyon ang gurong ito dahil marami na po siyang sinasaktan o pinapahiyang estudyante. Salamat po.

 

  • 0946560**** – Sir, itatanong ko lang po kung tama po ba ang ginagawa ng mga teacher na pinagdadala pa nila ng mga semento, hollow blocks, pako at iba pang mga gamit ang mga bata sa eskuwela? Dalawa po ang anak ko, isang grade school at isang high school student dito po sa may Camarines Sur at pareho po silang pinagdadala ng mga ganoong gamit. Patanong naman po sa DepEd kung tama ito. Salamat po.

 

  • 0923533**** – Isang concerned citizen lang po, puwede ba ninyong makalampag itong namamahala sa barangay namin dito sa Amparo Subdivision, Caloocan City. Talamak po kasi ang holdapan at isnatchan dito lalo na sa mga estudyante. Kapag ini-report po sa barangay, ang sabi nila ‘di raw po nila sakop ang lugar na iyon, samantalang isa lang naman ang chairman dito. Wala po ba kaming puwedeng hingan ng tulong? Umaasa po kaming makalampag ninyo ang barangay namin. Salamat po.

 

  • 0923437**** – Sir, tulungan po ninyo kami dahil iyong kapatid ko na kumukuha ng Police Clearance ay may kapangalang wanted. Wala man lang ginawang imbestigasyon at kaagad po siyang ikinulong ng mga pulis sa Muntinlupa dahil may warrant of arrest daw po siya. Ngayon po ay nasa Tunasan Jail siya. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.

 

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-87-TULFO at sa 0917-7-WANTED. Ang inyong lingkod ay napakikinggan sa 92.3 FM Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na napanonood din sa Aksyon TV Channel 41.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.