Mga kanal sa Navotas, pinalilinis ni Mayor

IPINAG-UTOS KAHAPON NI Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa Engineering office na magsagawa ng dredging operation sa mga kanal at waterways malapit sa mga paaralan na karaniwang lumulubog sa tubig-baha.

Ang utos ni Tiangco ay iniatang kay City Engineer Lito Serrano na nag-aatas na hukayin at linisin ang mga kanal, sapa at waterways sa mga barangay ng Tanza, Daang-Hari, Tangos, Bagumbayan at North Bay Boulevard South.

Base sa natanggap na ulat ni Tiangco, nag-rereklamo ang mga magulang ng mga mag-aaral na karamihan sa mga kalsada papunta sa mga paaralan ay lubog sa tubig-baha.

“Para lang makapasok sa paaralan ang aming mga anak, kailangan pang sumakay sa tricycle na dagdag gastusin,” wika ng mga magulang.

“Ang lahat ng pumping station sa 14 na barangay ay pawang umaandar,” wika ni Mayor Tiangco.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.