Mga kakampi ni Vicki Belo, bayaran?! by Ronnie Carrasco

BY NOW, NAILABAS na o ilalabas pa lang ng isang media outlet ang umano’y tinuran ni Dr. Vicki Belo na sa gitna ng kanyang kinakaharap na kaso, nasa panig niya ang entertainment press “dahil nababayaran naman ang mga ito.”

Gusto kong bigyan ng benefit of the doubt ang pamosong cosmetic surgeon, kundi man mas lamang ang “benefit” kesa “doubt.” Para sa tulad ni Vicki na nakuha nga niyang bilhin ang pag-ibig ni Hayden Kho by lavishing him with expensive gifts and trips, hindi na pinagdedebatehan pa ang kanyang pinansiyal na katayuan sa lipunan.

Pero ayaw ko yatang maniwalang hindi kailanman matutuyuan ang ga-balon niyang pinagkukunan ng kabuhayan, hindi niya para menosin ang ibang sektor tulad ng mga mamamahayag sa mundo ng aliwan kapag kalansing na ng pera ang pinag-uusapan.

Huwag na ring magpakaipokrito ang hanay natin: nanunuot na ang sistemang “envelopmental journalism.” And we go by the practice. In our elementary days, “symbiosis” ang tawag dito: pare-pareho tayong nakikinabang sa isa’t isa in this game called existence.

But in this world to exist, may mga bagay na hindi natatapatan ng pera, hindi nababayaran at lalong hindi ikinokompromiso ang prinsipyong pinaniniwalaan.

Sana nga’y tsismis lang ang tinurang ‘yon ni Vicki na pera-pera lang ang katumbas ng pangangalap niya ng kakampi sa kaso laban kay Katrina Halili, otherwise, mas malaki ang kanyang pananagutan sa umano’y sabi nga niyang “for sale” na press. Isa hanggang tatlong item lang kasi ang maaari niyang bilhin, hindi ang buong panulat ng reporter, lalong hindi ang paninindigan nito.

NAKU, ENOUGH NA muna sa mga reporter na umano’y puwedeng i-corrupt nang walang kakurap-kurap ni Vicki Belo, here’s one program na literal na mag-iiwan ng masarap na panlasa sa inyong bibig.

Tuklasin ang pinakabagong food trends sa larangan ng pagluluto sa bago ring late-night show sa TV 5, ang How ‘Bout My Place Tonight hosted by Chef Fernando Aracama at chef John Cu-Unjieng. Panauhin nila si Ryan Agoncillo at Makati Shangri-la chef Carl Heinz mamayang 11:30 ng gabi.

Hamon na rin ito sa gastronomical skills ni Ryan bilang mister ni Judy Ann Santos now that they’re a married couple. Hindi lang naman kasi “luto” ng diyos ang dapat niyang alam gawin, ‘no!

Read Ronnie Carrasco’s Blind Item: Biyenang hilaw, galit pa rin sa ex-bf ng sexy actress

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

9 thoughts on “Mga kakampi ni Vicki Belo, bayaran?! by Ronnie Carrasco

  1. SARAT, NANINIWALA AKO NA SI BUTCH FRANCISCO BAYARAN AT PAKAWALA NI BELO. PAKINGGAN MO SIYA SA STARTALK. KAPAL NANG MUKHA. MUKHANG PERA.

  2. obvious naman na bayaran ang karamihan if not all ng nagsasalita ni Belo. hindi man pera baka libreng serbisyo sa kanyang clinic. lalabas din ang totoo in due time.

  3. obviously… anu bang meron tong si belo, pera lang naman. hindi naman sya mukang mabait na tao. feeling ko nga napaka plastik at sinungaling nya. pakyu belo!

  4. Me katotohanan naman itong write up na ito eh. Sino ba sa mga writers ang hindi nabibili? Yung iba nga pang taxi lang..masaya na sila!! That’s how cheap they are.

  5. kasi ang example niya si lolit solis, the dean of all envelopmental reporting. tama si vicki belo dahil living example si lolit. coz of friendship daw sabi ni lolit, sinong niloko niya.

  6. Pakyalam nio kung bnibili man nia o hndi?? .bkit sa inyo ba pera un?haha . .bt d nio xa pbyaan .sa kanya naman pera un .d bale sna kung d sknya pera un. .

  7. KOREKKKK KA DYAN KAPATID!!! MALAKAS ANG LOOB NI BELO DAHIL BINIBILI LANG NIYA ANG MGA KAKAMPI NYA!! ANG ALAM NYA MALULUSUTAN NYA ANG KASO KAY KATRINA DAHIL KAYA NYANG BILHIN ANG PRESS AND JUSTICE SYSTEM DITO S PINAS. IMAGINE KUNSINTIHIN SI HAYDEN PAGPRACTISAN ANG MGA PASYENTE , PIKIT MATA NYANG BINAYARAN ANG NA DEDO NA PASYENTE JUST SO MAITAGO ANG KLAPALPAKAN NG HAYDEN N YON AT NG BELO. ILANG PASYENTE PA ANG GAGAWING GUINEA PIG SA BELO, ILANG PASYENTE PA ANG IVIVIDEO, ILANG PASYENTE PA NAG MALALAGAY SA ALANGANIN. NANINIWALA KAMING SI BELO ANG UTAK NG PAGDADOWNLOAD NG SEX VIDEO. WALANG KURAP NA SINABING KAYA WAG MANAAGAW NG BOYFREN NG MAY BOYFREN . VINDICTIVE BELO… ANG MASAMANG GINAWA SA IYO AY DAPAT BANG TAPATAN NG MASAMA AT M,AS MASAMANG GAWAIN. IKAW ANG NAKARMA BELO… HINDI ANG KATRINA. ANG TANDA MO NA PARA ALAMIN KUNG ANO ANG MAS NARARAPAT NA GAWIN KUNG GINAWAAN KA NG MASAMA. ANG SAYO NGIPIN SA NGIPIN SA LIKOD NG PABAIT EPEK MO. BAKIT DI MO MAILABAS ANG TUNAY MONG MUKHA? DAHIL BA SA MAWAWALANG KITA NG BELO? DAPAT INICIP MO NA YAN BAGO KA GUMANTI. OO NGA PALA , WALA NA RIN ANG TUNAY MONG MUKHA NARETOKE NA RIN PALA. SIGURO KUNG ANONG PANGIT MO SA TUNAY NA PAGMUMUKHA MO UN ANG PANGIT MO RING UGALI . PLASTIKADA RETOKADA

Leave a Reply

Your email address will not be published.