Mga kabataan, Nagkasakit Dahil sa Oil Spill sa La Union

NAGKAKASAKIT NA umano ang mga batang lumusong at naligo sa dalampasigan na apektado ng oil spill sa Sitio Tawi-Tawi, Barangay Poro sa La Union.

Nakipagsabayan umano sa kanilang mga magulang ang nasabing mga bata sa pagsalok sa kumalat na langis matapos magkaroon ng leak ang oil pipeline ng Chevron Philippines Inc.

Isa sa mga batang nagkasakit ay ang apo ni Elesio Dunca, barangay tanod sa naturang lugar.

Sinabi ni Dunca na nakararanas ng pagsakit ng ulo, pag-ubo at pagsusuka ang kanyang apo matapos lumusong sa tubig.

Kabilang din umano ang tatlong anak ng hindi pinangalanang misis ang dinapuan ng sakit matapos magsalok ng langis sa dagat.

Nagkaroon aniya ng rashes sa katawan ng kanyang mga anak at isa sa kanila ang sinusumpong ng hika.

Idinadaing ng mga residente na malapit sa dalampasigan ang masangsang na amoy ng langis lalo na kung mainit ang panahon dahil sa pagsingaw nito.

Una nang nagpahayag ng pagkabahala ang Department of Health (DoH) na maaaring makaapekto sa kalusugan ang ginagawa ng ilang mga naninirahan doon na pagsasalok at pagbebenta ng langis. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.