Mga Kaalyado ni PNoy, Tumanggap Din ng Sobrang Pork

INILABAS SA website ng Department of Budget and Management (DBM) ang listahan ng mga mambabatas na kaalyado ng kasalukuyang administrasyon na tumanggap ng sobrang pork barrel.

Nangunguna sa naturang listahan ng mga senador na sina: Sen. Pia Cayetano – P277 milyon; Alan Peter Cayetano – P256.7-M; Antonio Trillanes IV – P253.5-M; Teofisto “TG” Guingona III – P229.4-M; Kiko Pangilinan – P227.2-M; at Loren Legarda – P206-M.

Sumobra naman sa P70-milyon sina: Cong. Henedina Abad at asawa ni DBM Sec. Butch Abad – P92.5-milyon; Enrique Cojuangco – P99.2-M; Kimmy Cojuangco – P77.7-M; Al Francis Bichara – P105-M; Thelma Almario – P125-M; Gina De Venecia – P105-M; at Fatima Dimaporo – P104.1-M.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, pinagsama sa nasabing listahan ang mga pondo na hindi nagamit ng mga mambabatas noong isang taon.

Wala namang inilabas na pork barrel sa mga nasa oposisyon sa pa-ngunguna ni Cong. Datu Arroyo, Mikey Arroyo, Ignacio Arroyo, Boboy Syjuco at Mitos Magsaysay na ayon sa DBM ay idiniretso sa kanilang mga distrito.

Samantala, nakatanggap din ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) na aabot sa P109.2-milyon si dating Pangulo at Pampanga Cong. Gloria Macapagal-Arroyo noong taong 2012 na naka-hospital arrest dahil sa PCSO fund scam.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.