Mga Kaalyado ng LP na tututol sa RH bill, didisiplinahin

POSIBLENG MAHARAP sa “disciplinary actions” ang sinumang party-member sa Kamara na hindi susunod sa posisyon ni Pangulong Noy Aquino kaugnay ng kontrobersiyal na Reproductive Health bill. Ito ang banta ang liderato ng ruling Liberal Party (LP).

Sa isang panayam, sinabi ni House majority leader at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II, na bilang pinuno ng kanilang partido ang Pangulong Aquino, nararapat lamang na sundin ang pananaw nito sa isyu.

Maalala na una nang idineklara ni P-Noy bilang urgent measure ang RH bill matapos itong makalusot sa second reading.

“The party has taken a stand. Mahirap namang you go against it,” ani Rep. Gonzales.

Sa nakaraang botohan, 113 na mga kongresista ang bumotong pabor sa panukala habang 104 naman ang tumutol.

Binanggit pa ni Gonzales na nasa 26 na LP members umano ang naghain ng “no” vote sa RH bill.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.