Mga Jeepney Driver at Vendor, Patuloy na Kinikikilan

SUKDULAN NA umano ang ginagawang kawalanghiya-an ng ilang miyembro ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) na binansagang mga buwaya sa lansangan sa pamumuno ng isang mataas na opisyal ng Caloocan CIty Hall na sinasabing “utak” sa multi-milyong pisong kikilan sa mga pampublikong sasakyan, gayundin sa mga illegal vendor sa nasabing lungsod.

Nauna nang ibinunyag ng Parrazzi na bukod sa OIC na ito ng DPSTM, may mga kasabwat din na mga traffic enforcer ng MMDA na umano’y nagbubulag-bulagan sa nasabing isyu sa dahilang sila man ay patong sa naturang sindikato ng tong collection.

Samantala, ibinunyag din ng retired police traffic official at ng dating opisyal ng jeepney drivers association, na isang kilala lamang sa tawag na ‘Apple’ na maraming tattoo sa katawan ang lumulutang ngayon na official collector ng tong syndicate, mula nang mabunyag si Mac B. na malapit sa puso ng anak na babae ni ‘Diyablo’ na isa ring kolektor.

Ibinunyag pa ng source na ang biyaheng Bagong Silang, Cubao, Fairview at Zabarte ay nagbibigay ng tong na uma-abot sa P20,000 kada linggo dahilan sa kulorum na jeepney at out-of-line.

Maging ang mga illegal vendor ay hindi lamang sa bangketa nagtitinda kundi pati na kalsada ay nagkalat ang paninda ng mga ito sa mga pangunahing kalye na nagiging sanhi rin ng pagkakabuhol ng trapiko na labis na nakakaabala sa mga pedestrian.

“Wala na talagang pag-asang maresolba ang problema sa trapiko sa Caloocan dahil sa harapan mismo ng city hall ay ginagawa na rin pilahan ng mga pampasaherong jeepney na patuloy na kinukunsinte ng DPSTM na pinamumunuan ni Aldabog,” sabi ng nagrereklamong commuters.

Ayon naman sa mga motorista, masyadong perhuwisyo na at eye sore ang pilahan ng mga abusadong driver sa mga kanto ng A. Mabini St. sa Sangandaan, Torres Bugallon St., Gen. San Miguel St., Samson Road hanggang Monumento, 10th Ave. sa kanto ng Rizal Ave. Extension.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.